Ang mga CFD ay mga komplikadong instrumento at may mataas na peligro ng mabilisang pagkalugi ng pera dahil sa leverage. Dapat mong isaalang-alang kung naiintindihan mo ba kung paano gumagana ang mga CFD bago ka mamuhunan.

Ano Ang Kahulugan ng mga Leaderboard Badge?

Social Trading

Ang Leader Board Badge ay isang maliit na icon na ipinapakita sa ibaba ng Leader Board.  

Ang pangkalahatang gamit ng mga naturang imahe ay ang pagpapakita ng ilang mga tagumpay o katangian ng mga trader. Ang mga badge ay awtomatikong itinatalaga at binabawi ayon sa mga kundisyong itinakda ng administrator. 

Ang isang account ay maaaring magkaroon ng maraming badge na nakatalaga dito, depende sa mga nakamit ng Leader. Magkakaroon ng maikling paglalarawan ng Badge kapag itinapat mo ang iyong mouse dito. Ito ay makikita sa ibaba ng dashboard ng Leader Board.

Nasa ibaba ang mga uri ng badge at ang mga nagawa na kinakailangan upang makuha ang mga partikular na badge. Paalala lang na ang lahat ng badge ay hindi permanenteng hawak ng leader dahil maaari itong magbago batay sa natamong kondisyon. 

  • Neo-Legend I – $5,000  USD na Balanse 

  • Neo-Legend II – $10,000  USD na Balanse 

  • Neo-Legend III –   $25,000  USD na Balanse

Halimbawa : Kung ang paunang balanse ay 5,000 USD (hanggang $9,999), ginamit ng leader ang pondo at ngayon ang balanse ay 4,500 USD, aalisin ang mga badge dahil hindi naabot ang kondisyon.

  • Neo-Leader I – 5 Sumusunod na Auto-Copier 

  • Neo-Leader II –   20 Sumusunod na Auto-Copier 

  • Neo-Leader III –  50+ Sumusunod na Auto-Copier 

Halimbawa : Ang leader ay kasalukuyang nasa ilalim ng Neo-Leader ll badge na may 20 sumusunod na Auto-Copier, at ang isa sa kanyang auto copier ay biglang nag-unsubscribe ngayong araw at ang kabuuang auto copiers ay bumaba sa 19, samakatuwid ang leader ay hindi mapapanatili ang kanyang kasalukuyang badge at bababa sa Neo-Leader l. 

  • Neo-Guardian I – $10,000 Pondo ng mga Auto-Copier 

  • Neo-Guardian II –   $25,000 Pondo ng mga Auto-Copier 

  • Neo-Guardian III –  $50,000+ Pondo ng mga Auto-Copier 

Halimbawa:  Ang leader ay kasalukuyang nasa Neo-Guardian ll at ang kanyang kabuuang pondo ng mga auto copier ay 32,000 USD. Ang isa sa kanyang auto copier ay nag-withdraw ng 10,000 USD, ngayon ang kabuuang pondo ng mga auto copier ay bumaba sa 22,000 USD, kaya ang leaderboard badge ay babalik sa Neo-Guardian l. 

  • Neo-Hero I – 45% Kabuuang Return  

  • Neo-Hero II –   60% Kabuuang Return  

  • Neo-Hero III –  100% + Kabuuang Return  


  • Neo-Champion I – $500+ Kabuuang Kita$  

  • Neo-Champion II –   $2,500+ Kabuuang Kita$ 

  • Neo-Champion III –  $5,000+ Kabuuang Kita$

    Halimbawa: Ang Leader ay kasalukuyang nasa Neo-Champion lll badge na may kabuuang kita na $10,000. Ngayong araw ay nag-trade ang Leader at nagkaroon ng realized loss na $7,000. Samakatuwid ang kanyang Leader Badge ay bumaba sa Neo-Champion ll. 


  • Neo-Immortal I – 90 araw & 20% Kabuuang Return  

  • Neo-Immortal II –   180 araw & 30% Kabuuang Return  

  • Neo-Immortal III –  365 araw & 45% + Kabuuang Return  

Saan ko mahahanap ang Leader Board Badge? 

  1. Mag-log in sa Iyong account sa Social Trading: Upang mag-log in sa iyong Social Trading account, i-click ang “Get Started” na button sa kanang bahagi, pumili sa TradeQuo, at i-click ang “Start.”  

  2. Piliin ang alinman sa “TradeQuo MT5” o “TradeQuo MT4”, pagkatapos ay ilagay ang ID ng iyong trading account bilang username at ang iyong password. Panghuli, i-click ang “Login.”  

Bilang kahalili, maaari kang dumiretso sa Social Trading Login Portal upang mag-log in. 

  1. Pumunta sa Leaderboard: Pagkatapos matagumpay na makapag-log in, hanapin ang menu bar sa kaliwang bahagi ng page. I-click ang 'Leaderboard' na matatagpuan sa tabi ng 'Transaction History' 

Nasagot ba nito ang iyong katanungan?

Makipag-ugnayan sa amin para sa higit pang impormasyon